-- Advertisements --
Kabuuang 2,005,300 doses pa ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na binili ng private sector ang dumating sa Manila ngayong araw ng Martes.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang mga dumating na karagdagang supply ng bakuna ay bahagi ng last batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na darating sa Pilipinas.
Bukas, araw ng Miyerkules, inaasahang darating ang mas marami pang supply ng naturang bakuna na binili ng private sector.
Kapag matuloy ito bukas, kumpleto na kung sakali ang 17 million doses ng AstraZeneca vaccines na nakuha mula sa tripartite agreement sa katuwang ang national government at vaccine manufacturers.