-- Advertisements --
COAST1

Kabuuang 2,301 na pasahero ang stranded mula sa iba’t ibang pier sa Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas, at North Eastern Mindanao regions, dulot ng Bagyong Bising.

Sa ulat ng Philipping Coast Guard (PCG), 16 na barko at 890 rolling cargoes ang stranded habang nasa 48 vessels at 26 motorbanca ang sumilong na sa isang ligtas na lugar.

Sa inilabas na datos ng PCG, sa Eastern Visayas ay 895 passengers, drivers at helpers, pitong vessels at 400 rolling cargoes ang stranded sa Ormoc Port, Isabel Port, Liloan Port Terminal, San Ricardo Port, Sta Clara Port, Balwarteco Port, at Dapdap Port.

Sa Bicol naman, 794 travelers, drivers at helpers, pitong vessels, at 291 rolling cargoes ang hindi nakapaglayag.

Sa Central Visayas, 23 barko, walong rolling cargoes ang stranded habang 48 vessels at 26 motorbanca ang sumilong sa ligtas na lugar.