Nakatanggap ng pinansiyal na tulong ang nasa 1,653 pamilya sa Davao de Oro na biktima ng lindol mula kay House Speaker Martin Romualdez at Tingog-Party-List Representative Yedda Marie Romualdez sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.
Magugunita na nakaranas ng magnitude 6.0 na lindol ang nasabing probinsiya na sinundan ng malalakas na aftershocks na naging sanhi sa pagkasira sa mga bahay atr istruktura ng mga kababayan natin sa nasabing lugar.
Mismong si Speaker kasama ang kaniyang Misis na si Rep. Romualdez ang nangasiwa sa pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.
“Natural calamities such as earthquakes are unforeseen, and the injuries and damage it causes are of no fault of the victims. So it is only just to allocate and direct the government’s ayuda program to victims of the Davao de Oro earthquakes,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Sa panig naman ni Rep. Romualdez, umaasa ito na ang tulong na ibinigay sa mga naapektuhan ng lindol ay makakatulong sa mga pamilya.
“We know that the amount of assistance does not really cover the damage done by the recent calamity. But we hope it alleviates a little our citizens’ plight in this time of need. The government is doing everything in its power to restore normalcy to Davao de Oro,” pahayag ni Rep. Romualdez.
Kasama ang mga tauhan ng DSWD, Speakers Office at mga local government officials ay nagsagawa ng AICS payouts sa mga munisipalidad ng Compostela, New Bataan, at Maragusan.
Sa Compostela nasa kabuuang 319 beneficiaries ang nakatanggap ng P3,000 each cash aid.
Sa New Bataan, nasa P5,000 cash assistance ang ibinigay sa 503 beneficiaries na lubhang naapektuhan ng lindol.
Namahagi din ng tulong ang team ni Speaker Romualdez at Tingog Party-List ng pinansiyal na tulong na tig P3,000 sa 285 beneficiaries mula sa remote at walang signal sa Brgy. Tandik bayan ng Maragusan, Davao de Oro.
Sa Brgy. Paloc, Maragusan nakatanggap ng ayuda na tig P3000.00 ang nasa 465 pamilya na ang mga bahay ay partially damaged; 81 pamilya ang nakatanggap ng tig P5,000 dahil sa ang kanilang mga bahay ay totally damaged.
Sa kabilang dako, binigyan naman ng Speaker’s Office is Davao de Oro 1st District Rep. Maricar Zamora at Vice Gov. Tyron Uy ng kabuuang P500,000.00 calamity fund.