Umakyat na sa 15,473 katao o 4,363 pamilya ang apektado ng nagpapatuloy na pag-alburuto ng Taal Volcano, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa isang update, sinabi ng NDRRMC na ang mga apektadong indibidwal na ito ay naitala sa 121 apektadong barangay.
Kabuuang 5,620 katao o 1,570 pamilya ang lumikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.
Samantala, 9,853 indibidwal o 2,793 pamilya ang nananatili sa labas ng mga evacuation centers.
Ayon sa NDRRMC, kabuuang 23 evacuation centers ang bukas para tumanggap ng mga apektadong residente.
Ngayong araw, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na 171 volcanoc earthquakes ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Nanantili namang nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano, kaya posibleng magkaroon ng pagsabog dahil sa magma na lumalabas mula sa main crater.