Pinagpaplanuhan na ng South Korean government ang pagsuspinde ng medical licences ng mahigit 12-K na doktor na nag-walk-out at lumahok sa weeks-long strike para tutulan ang plano ng gobyernong taasan ang slots sa mga medical school na layong bigyang-tugon ang umano’y kakulangan ng doktor sa bansa.
Dahil dito, naudlot ang operasyon ng maraming pasyente at tumagal ang waiting time sa mga ospital kabilang na ang mga pasyenteng nangangailangan ng emergency care.
Nananawagan kasi ang mga doktor na imbis na dagdagan ng 2,000 na slots ang medical students kada taon, ay ituon na lamang daw ang pansin sa pagpapa-unlad ng kanilang work environment at sahod. Naniniwala rin sila na mako-compromise nito ang kalidad ng serbisyong ibinibigay sa pasyente.
Ayon sa health ministry ng naturang bansa, magde-deploy na sila ng 20 military surgeons at 138 public health doctors para mapunan ang mga iniwang responsibilidad ng mga doktor na lumahok sa strike.
Sa kabila nito, itinanggi ng health ministry na nasa krisis ngayon ang public health ng South Korea.