Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG)na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong sa mga sumukong mga rebelde sa pamahalaan.
Sa ngayon, aabot na raw sa 1,100 ang bilang ng mga dating rebelde ang natulungan ng pamahalaan mula nang nagsimula ang Marcos administration noong buwan ng Hulyo.
Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na committed daw ang pamahalaan sa pagtugon sa insurgency at tutulungan ang dating mga rebelde na mapaganda ang kanilang mga buhay.
Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration o E-CLIP, ay natulungan na raw ang naturang mga dating rebelde.
Layon ng programang E-CLIP na tulungan ang mga rebelde na ma-reintegrate sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial at livelihood assistance.
Noong buwan ng Nobyembre, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Lieutenant General Bartolome Bacarro na mayroon na lamang natitirang 2,112 na miyembro ang communist group New People’s Army (NPA).
Nabawasan na rin daw ang mga armas ng mga rebelde sa ,800.
Sinabi ni Bacarro na focus ngayon ng militar ang active guerrilla fronts sa 154 na mga barangay sa buong bansa.
Mula sa total na 89 guerilla fronts noong 2018 ay nasa 24 na lamang ang natitirang grupo na tinutugis ng militar.
Sa natitirang grupo, 19 ay humina na raw ay malapit nang ma-dismantle.