-- Advertisements --

Nasa halos apat na buwan ngayon na muling nagtala ng pinakamaraming bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang 10,623 na karagdagang kaso.

Dahil dito umakyat lalo ang bilang ng mga aktibong kaso o mga pasyente ngayon sa bansa na nasa 74,297.

Sa kabuuan ang tinamaan ng COVID sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 1,638,3435 na.

Marami rin ang mga gumaling na nasa 3,127.

Ang mga nakarekober naman sa virus ay nasa 1,535,375 na.

Samantala, umaabot 247 ang mga bagong namatay sa bansa bunsod pa rin ng deadly virus. Ang death toll ngayon ay nasa 28,673 na.

Mayroon namang limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Nakikita na natin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ito ay dulot ng kumbinasyon ng iba’t ibang factors – hindi pagsunod sa minimum public health standards, hindi pagpapatupad ng prevent-detect-isolate/quarantine-reintegrate strategies, lubos na paggalaw ng mga tao, at presensiya ng iba’t ibang variants of concern, lalo na ang Delta Variant. Patuloy ang ating panawagaan at paalala sa ating mga kababayan na mag-ingat at palaging sumunod sa ating mga safety protocols at agad na magpabakuna kung pagkakataon na,” bahagi pa ng abiso ng DOH.