DAVAO CITY – Higit isang daan na mga pamilya ang lumikas kagabi matapos na umapaw ang Davao river.
Kabilang sa mga apektadong residente ay naninirahan sa Purok-7, 8 at Purok 9 Barangay 9-A nitong lungsod at ilang mga residente sa Agdao District, Matina, Maa at iba pang lugar sa siyudad kaya agad ipinatupad ang pre-emptive evacuation.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) dahil umano sa lakas ng ulan sa bundok dahilan na tumaas ang level ng tubig sa Davao river kung saan maraming mga residente ang naninirahan sa tabi ng ilog.
Nasira naman ang tulay ng Barangay Bantol Marilog District dahil sa lakas ng pagbaha.
Ayon kay retired Police Col. Alfredo Baluran head ng CDRRMO na simula pa noonh nakaraang linggo, nakigpag-unayan na sila sa mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) sa lungsod lalo na at sunod-sunod ang nararanasan na mga pag-ulan sa siyudad.
Pinayuhan na lamang ng opisyal ang mga apektadong residente na agad lumikas kung muling mararanasan ang pagtaas ng tubig para hindi malagay sa peligro ang buhay.
Agad naman na rumesponde ang mobile kitchen at mga personahe ng mga City Social Services and Development Office (CSSDO) para magbigay ng tulong sa mga apektadong residente.