-- Advertisements --
Mahigit 100 medical frontliners sa Pasig City ang nakatakdang turukan ng CoronaVac ng Sinovac sa Pasig City General Hospital.
Sina COVID-19 Referral Center Hospital Incident Commander Dr. Nerissa Sabarre, chief pharmacist Bernadette Bajit, at infectious disease specialist Dr. Karla Bañares ang unang tinurukan ng COVID-19 vaccine sa lungsod.
Umaasa naman si Pasig City Mayor Vico Sotto na mas marami pang mga health workers at residente ang papayag na magpabakuna gamit ang CoronaVac.
Gayunman rerespetuhin naman aniya nila ang desisyon ng mga ayaw magpabakuna o mga nagnanais ng ibang brand ng COVID-19 vaccines.
Pero hinimok ni Sotto ang mga nasasakupan nito na magtiwala sa posisyon ng mga eksperto hinggil sa safety at efficacy ng mga bakunang ito.