-- Advertisements --

Aabot daw sa 104,000 jobs ang available sa isasagawang Independence Day job fairs sa Hunyo 12.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Isasagawa ito sa sabay-sabay sa ilang bahagi ng bansa sa linggo.

Sinabi ni Information and Publication Service (IPS) director Rolly Francia ng DOLE, asahand daw na tataas pa ang employment opportunities habang papalapit ang event.

Inaasahan din umano nilang malalagpasan nila ang 153,000 na patrabaho na inoffer sa job fair noong May 1 kasabay ng Labor Day.

Maliban daw sa processing ng job applications available din sa mga job fairs ang vaccination laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ayon kay Francia inimbitahan din umano nila si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa main event ng Independence Day job fairs sa Malolos, Bulacan.

Sa isang pahayag sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na inimbitahan din nila si outgoing President Rodrigo Duterte pero sinabi raw nitong hindi ito makakadalo sa isasagawang event.