-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang 104 test-kit products para sa diagnosis ng COVID-19.
Sa isang advisory, sinabi ng FDA na inaprubahan nila kamakailan ang apat na PCR-based at pitong antibody rapid test-kit products.
Base sa listahan na inilabas ng ahensya, 59 sa mga registered products ay para sa rapid testing habang 45 naman ang para sa PCR-based testing.
Sa 104 approved products, 45 dito ay gawa ng China, habang ang iba naman ay nanggaling mula sa Singapore, USA, Germany, Ireland, Itlay, France, South Korea, Australia, Turkey, UK, Spain, at Luxembourg.
Isang produkto lamang ang inaprubahan mula sa Pilipinas, na gawa ng Marikina City-based Manila HealthTek, Inc.