KORONADAL CITY – Mahigit 100 mga baboy ang kinumpiska at agad na isinailalim sa culling o inilibing matapos makapagtala ng African Swine Fever sa bayan ng Norala, South Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Clemente Fedoc, nasa halos 40 backyard hog raisers sa barangay Poblacion matapos na maging positibo ang isa sa mga isinailalim sa test.
Bumili umano ng baboy ang isa sa mga residente sa lugar sa bayan ng Surallah kung saan unang naitala ang ASF at dinala sa bayan ng Norala kayat umabot ang virus sa kanilang lugar. Maging ang mga hig raisers ay nagulat sa pangyayari dahil huli na nang ipinaalam sa kanila ng municipal Agriculture na umano’y kailangan nilang kunin ang lahat na mga baboy na pasok sa 500meters radius mula sa ground zero kung saan may nagpositibo sa ASF.
Ngunit naging emosyunal naman ang mfa may ari ng baboy kung saan pinadalhan pa ang mga ito ng pulis upang makuha ang kanilang mga alaga.
Nagrereklamo naman ang mfa hig raisers dahil sa halip na pera ang ibigay sa mga apektado ay binigyan lamang sila ng 5 kilomg bigas, noodles at de lata at hindi pa tiyak kung makakatanggap sila ng financial assistance mula sa LGU.
Maliban dito, nagrereklamo din ang ilang mga hog raisers na nakunan ng mga alagang baboy dahil hindi naman lahat ng baboy ay isinailalim sa test.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng Provinvial Veterinary Office sa kabuuang numero ng mga baboy na apektado na ng ASF. Nangako naman si Mayor Fedoc na tutulungan ang mga apektadong hog raisers.