-- Advertisements --

Mahigit sa 10 porsiyento pa lang ng populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan kontra COVID-19, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi ito ni Galvez matapos na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang karagdagang mahigit 300,000 Moderna vaccines.

Sinabi ni Galvez na mahgit 24.1 million ng bakuna na magkakaiba ang brands ang nagamit na sa iba’t ibang panig ng bansa, kung saan 12.9 million dito ang first dose at 11.2 million naman ang second dose.

Ang kabuuang bilang ng mga tao na naturukan na ng second dose ay kumakatawan sa 15.88 percent ng targeted eligible population at 10.13 percent naman ng total population.