Umabot na sa mahigit 10,000 turista ang naitala sa bayan ng San Felipe, Zambales noong Black Saturday, ayon sa paunang datos mula sa mga resort owners sa lugar.
Ayon sa municipal tourism office, patuloy pa ang pagsasama-sama ng ulat mula sa iba’t ibang resort upang matukoy ang kabuuang bilang ng mga bumibisita, at inaasahang tataas pa ang bilang dahil marami pang operators ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang datos.
Binanggit din ng tanggapan na hindi pa kasama sa kasalukuyang bilang ang mga bisita mula sa San Felipe Resorts Owners Association, na may mahigit 150 miyembrong resort na tumatanggap ng mga turista sa lugar.
Kilala ang San Felipe bilang isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista tuwing tag-init, lalo na sa Sitio Liwliwa o Liwliwa Beach sa Barangay Sto. Niño, na dinarayo para sa surfing at tahimik na coastal atmosphere nito.
Taun-taon, libu-libong turista ang bumibisita sa bayan, lalo na tuwing summer season at Holy Week.
















