-- Advertisements --

Aabot na sa 1,022,563 na Philippine Identification (PhilID) cards ang na-release ng Philippine Identification System (PhilSys) hanggang noong Hulyo 3, na nakatakdang i-deliver sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Dennis S. Mapa, inaasahan nilang mas marami pang PhilID cards ang kanilang ilalabas at ide-deliver sa mga susunod na linggo ngayong pinapalakas pa nila lalo ang kanilang operasyon.

Sa pamamagitan ng partnership ng PSA sa Philippine Postal Corporation (PHLPost), kabuuang 317,474 registrants na ang napahatiran ng IDs hanggang noon namang Hunyo 25.

Ang unang batch ng PhilID ay nai-deliver noong Mayo sa iba’t ibang priority provinces at municipalities na nakakumpleto na sa dalawang steps mula registration ng demographic data at verification ng demogratic information pati na rin ang collection ng biometric data.

Gayunman, sa ngayon, iniulat ng PSA na kabuuang 16,170,330 Pilipino na ang nakakompleto ng kanilang Step 2 Registration sa PhilSys hanggang nitong Hunyo 30, 2021.