-- Advertisements --

CEBU CITY – Nakatakdang kasuhan ang isang drug suspect matapos itong nakuhanan ng halos P6 million halaga ng shabu sa Villagonzalo 1, Barangay Tejero sa Lungsod ng Cebu.

Huli sa buy bust operation kahapon ang subject na si Jake Paca Labitad, 25-anyos na residente mula sa Barangay Tinago sa kaparehong siyudad.

Ayon kay Police Major Randy Caballes, hepe ng City Intelligence Branch, ikinukonsidera ang suspek bilang high-value individual dahil sa naging lawak ng distribution nito.

Narekober ng mga pulis ang 840 grams ng shabu na nakasilid sa Chinese green tea bag at nagkakahalaga ang “DDB” value nito sa P5.7 million.

Nasa kustodiya na ng Cebu City-Philippine National Police ang lalaki at inihain ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanya.