-- Advertisements --

Tututukan muna ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang paglahok niya sa Paris 2024 Olympics bago ang pagkakaroon ng sariling pamilya sa magiging asawa nitong si Julius Naranjo.

Nakatakda kasing ikasal ngayong araw ang dalawa sa lungsod ng Baguio.

Isinabay ang pag-iisang dibdib nila sa anibersaryo ng pagkakakuha ng gold medal ni Diaz sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni Diaz na plano nila talagang magtaguyod ng pamilya subalit patatapusin muna nito ang Paris Olympics 2024.

Ang paglahok kasi ni Diaz sa Paris Olympics ay siyang panglimang beses na pagsali niya sa Olympics.