-- Advertisements --
Nakatuon na sa pag-qualify sa 2024 Paris Olympics si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz.
Ito ay kahit na mabigo ito ng makasungkit ng medalya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Sinabi ng 32-anyos na si Diaz, na kuntento ito sa kaniyang performance lalo na at umakyat ito timbang mula sa 55 kgs patungo sa women’s 59 kgs.
Itinuturing rin na siya ang pinakamatandang kasali sa torneo na ang pinakabata sa kumpetisyon ay ang 20-anyos na si Ligyon Kim ng North Korea.
Pagtitiyak niya na nakahanda na ito para sa nasabing qualifiers ng Olympics.