Nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa World Weightlifting Championship si Filipina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Dominado nito ang 55-kilograms division sa torneo na ginanap sa Bogota, Colombia.
Nagmula ang gintong medalya sa categorya ng clean and Jerk, snatch at total.
Mayroong kabuuang 207 kg. para talunin si Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.
Kahit na tiyak na ang gintong medalya sa clean and jerk ay pinilit pa rin nitong buhatin ang 117 kg. at 121 kg. pero hindi na niya kinaya.
Nakakuha naman ng Silver medal si Morales kabilang ang bronze sa snatch at silver naman sa clean and jerk na mayroong total lift na 199 kg habang si Lopez ay nagtapos sa ikatlong puwest na mayroong 198 kg. matapos ang silver finish sa snatch.
Itinuturing ng 31-anyos na si Diaz na nakumpleto na nito ang World Championship sa kaniyang collection na kinabibilangan ng gold medals mula sa Olympic noong nakaraang taon, Asian Games at Southeast Asian Games.