-- Advertisements --
Maagang nagtungo sa Hanoi, Vietnam si Filipino weightlifter Hidilyn Diaz para sa 31st Southeast Asian Games.
Sinabi ni Samahang Weightlifting sa Pilipinas president Monico Puentevella, na mahalaga ang pagtungo ng atleta sa mga torneo para sila ay makapag-familiarize.
Nararapat din aniya na ma-kondisyon nila ang kanilang mga katawan sa nararanasang klima ng isang bansa.
Magsisimula kasi sa Mayo 19 ang mga kompetisyon sa weightlifting event sa SEA Games.
Isa ang 31-anyos na si Diaz na paboritong manalo sa women’s 55-kilogram division.










