-- Advertisements --
Hezbollah.jpg

Nagbanta ang militanteng Hezbollah na pagbabayarin nila ang Israel sa krimen nito laban sa mga sibilyan matapos ang inilunsad na airstike nito na kumitil sa 3 bata at kanilang lola sa Lebanon.

Ayon sa Iran na suprtado ang Lebanese group na Hezbollah, gumanti lamang ito sa strike ng Israel kung saan 3 batang babae na ang edad ay nasa pagitan ng 10 at 14 ay napatay sa pamamagitan ng pagpapakawala ng sandamakmak na grad rockets sa bayan ng Kiryat Shmona sa hilagang Israel.

Inihayag din ng Hezbollah na hindi nila kukunsintihin ang pag-atake sa mga sibilyan at magiging matindi at malakas ang magiging ganti nito.

Sa panig naman ng Israel, sinabi ng militar nito na ang pag-atake ng Hezbollah mula sa Lebanon ay kumitil naman sa isang Israeli citizen sa hilagang Israel.