-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Handa na ang lungsod sa pagdating bukas ng bagong IBO feather weight Champion Dave Apolinario. Ayon kay Sonny Sombrio ng City Sports Division na kanilang sunduin ang Pinoy boxer sa Gensan airport para sa gagawing heroes welcome.

Dagdag ni Sombrio na may gagawing short motorcade sa piling mga lugar sa lungsod at pagkatapos diretso ito sa tanggapan ni Gensan Mayor Lorelie Pacquiao.

Kasama ni Apolinario na darating sa bukas si Sanman Promoter Jessie Mananquil.

Matatandaan nakuha ni Apolinario ang bakanteng IBO crown matapos pinatumba sa unang round ang African boxer na si Gideon Buthelezi sa kanilang laban nuong Hulyo 30 sa International Convention Center sa East London, South Africa.

Kinagalak ng Gensan na binitbit ni Apolinario ang pangalan ng lungsod kahit pa taga Maasim Sarangani province ang kanyang lugar. May record ito na 17 panalo, walang talo , 12 knockouts.