-- Advertisements --
Patuloy na nakakaranas ng matinding init ng panahon o heatwave ang Delhi, India.
Pumapalo sa 49.2 degree celcius ang nararanasang init ng panahon.
Ito na rin ang pang-limang beses na nakaranas ng matinding init ng panahon ang lugar mula pa noong Marso.
Nararanasan din ang matinding init ng panahon sa ilang mga lugar gaya ng Himachal Pradesh, Haryana, Uttarakhand, Punjab, at Bihar.
Nagbabala ang mga heatlh authorities sa lugar na magdudulot ng hindi maganda sa katawan ng mga tao.
Nauna ng inatasan ni Prime Minister Narendra Modi ang mga ministers nito na dapat gumawa ng hakbang ang mga ito para malabanan ang heatwave.
Nagpakalat na rin ang gobyerno ng mga bumbero at water sprinkler para maibsan ang init ng panahon sa lugar.