-- Advertisements --
Nakuha ng Miami Heat ang unang panalo sa second round ng NBA Eastern conference semifinals playoffs kontra sa New York Knicks 108-101.
Hawak pa ng Knicks ang kalamangan kung saan umabot sa 12 points subalit pagdating ng last quarter ay umarangkada na ang Heat sa laro na ginanap sa Madison Square Garden sa New York.
Nanguna sa panalo ng Heat si Jimmy Butler na nagtala ng 25 points habang mayroong 18 points si Kyrie Lowry.
Nag-ambag naman ng 16 points at pitong rebounds si Bam Adebayo.
Nasayang naman ang nagawang 25 points ni Jalen Brunson para sa Knicks.