-- Advertisements --

Bakas ang kaligayahan ni Heart Evangelista ngayong kasama na uli nito ang asawang dating senador at ngayo’y Sorsogon governor na si “Chiz” Escudero.

Kaagad nag-post ang 35-year-old actress ng bagong picture nila ng 50-year-old politician husband with matching caption na “At long last! @escuderochiz. (heart emoji)”

Matapos ang tatlong buwan, muli nang nakasama ng GMA-7 actress na si Heart Evangelista ang kanyang asawang si Chiz Escudero.

Nabatid na mahigit 100 araw o katumbas ng tatlong buwan na “LDR” (long distance relationship) ang mag-asawa simula noong ipasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa enhanced community quarantine noong Marso dahil sa paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Dahil dito ay naging abala si Chiz sa pagpapatupad ng quarantine guidelines sa kanyang nasasakupan bilang gobernador ng Sorsogon.

Si Heart naman ay isa sa mga tumutulong sa gitna ng COVID crisis sa bansa partikular ang pagbigay ng gadget na tablet sa mga labis na nangangailangang estudyante na walang pambili para sa online classes.