Heart in black
-- Advertisements --

Aminado si Heart Evangelista na umandar na naman ang kanyang “kaartehan levels” sa desisyong pagsailalim sa minor operation kamakailan.

Ito’y para alisin ang umbok sa kanyang baba na kahalintulad ng cyst o bukol, na noon ay inakala niya na karaniwang pimple lamang.

Ayon sa 36-year-old socialite, hindi nito maipag-sawalang bahala at katunayan ay natakot siya lalo’t ayaw niya sa mga maiiwang peklat.

But it’s not a joke for me… I thought pimple. Apparently it’s almost like a cyst so they have to freaking-cut it open and stitch. So they’re going to take this thing out,” saad nito sa kanyang video blog.

Sa mga susunod na araw pa aniya aalisin ang maliit na bandage sa kanyang baba, at sunod namang ipapatanggal ang nunal sa bahagi ng kanyang kanang mata.

-- Advertisement --

“They removed that like two times when I was younger but it kept on coming back so I’m taking that out,” dagdag nito.

Una nang inihayag ng celebrity wife ni Gov. “Chiz” Escudero na “virgin” o hindi pa siya kailanman nagpa-cosmetic surgery kung saan original na gawa pa rin ng Diyos ang kanyang mata, ilong at iba pang bahagi ng mukha.