-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Heart Evangelista na mayroon silang kasunduan ng asawang si Senator Chiz Escudero na dapat ay hiwalay ang kanilang yaman.

Sinabi nito na hindi siya umaasa sa yaman ng asawa dahil mula pa nong 13-anyos pa ito ay nagtrabaho na siya sa showbiz ng mahigit tatlong dekada.

Kabi-kabilaan din ang mga brands na kaniyang iniindorso lokal man o international.

Sa kaniyang social media ay sinabi niya na kahit walang nagbabantay o tumitingin na tao ay patuloy ang kaniyang pagtatrabaho.

Giit nito na mas higit pa siya sa pagiging asawa ng isang pulitiko dahil pinagtatrabuhan niya ang kaniyang perang ginagastos.

Tinulungan pa sila ni yumaong dating Senator Miriam Santiago na itinuturing niyang pangalawang ina na magkaroon ng prenup agreement sa asawa.

Binantaan nito na kaniyang kakasuhan ang mga nagpapakalat ng pekeng balita na winawaldas umano nito ang pera ng asawa na nasasangkot sa flood control project matapos na aminin nito na tumanggap ng P30-milyon bilang campaign donations mula sa kaibigang contractor.