-- Advertisements --

Nananawagan si Sen. Bong Go para sa mas mahigpit na implementasyon ng mga kinakailangang health and safety protocols lalo na sa mga pampublikong lugar at mas mahigpit na kooperasyon ng mga mamamayan para sa ganap na pag-flatten ng COVID-19 curve.

“I urge concerned agencies to strictly enforce necessary health and safety protocols, especially in public places. Gustuhin man natin bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao, unahin dapat natin ang kapakanan at buhay ng mga ordinaryong Pilipino,” ani Sen. Go.

Sinabi ni Sen. Go, para mas mahigpit na maipatutupad ang mga nasabing health protocols gaya ng mandatory na pagsusuot ng face masks sa publiko, dapat mamahagi ng libreng face masks ang gobyerno lalo sa mga lugar na karaniwang sinasadya ng mamamayan.

“Let’s be more proactive in implementing a stricter mask wearing policy. Kung walang mask ang tao, bigyan natin. Lalo na sa mga lugar na madalas puntahan,” dagdag ni Sen. Go.

Ayon kay Sen. Go, partikular na dapat tutukan ang mga public markets kung saan madalas bisitahin ng mga tao at dito rin nabubuhay ang lokal na ekonomiya ng mga komunidad.

Maliban sa pamamahagi ng libreng face masks sa mga pampublikong lugar, hinikayat din ng senador ang mga kinauukulang ahensya na mamahagi ng face masks sa mga walang kakayahang bumili nito at suportahan din ang mga local industries sa pamamagitan ng pagbili ng mga gawa ng local producers at manufacturers.