Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang health minister ng Brazil dahil sa hindi nito sinang-ayunan ang paghawak ng gobyerno sa tumataas na kaso ng mga nadadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Si Nelson Teich ay wala pang isang buwan ng italaga sa puwesto ni President Jair Bolsonaro.
Isa sa naging dahilan ng pagbitiw nito sa puwesto ay ang pagpasa ng batas ni Bolsonaro na nag-uutos ng pagbubukas na ng mga gym at beauty parlours.
Minamaliit kasi ng pangulo ng Brazil ang ipinapatupad na lockdown kung saan itinuturing pa nito na ang virus bilang kaunting lagnat lamang.
Hindi naman na nilinaw ni Teich ang tunay na dahilan ng kaniyang pagbibitiw.
Magugunitang noong Abril ay sinibak ni Bolsonaro ang health minister nito na si Luiz Henrique Mandetta matapos na batikusin ng pangulo sa pagpayo nito sa mga tao na obserbahan ang social distancing at manatili sa loob ng bahay.










