Nanatiling balanse ang health concerns at economic recovery sa desisyon ng pamahalaan na magpatupad ulit ng general community quarantine na mayroong “hightened restrictions” sa National Capital Region (NCR), ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Sinabi ito ni Lopez matapos na inilagay ulit sa ilalim ng GCQ with hightened restrictions ang NCR mula Hulyo 23 hanggang 31, kasunod nang kumpirmasyon ng Department of Health na mayroong nang local transmission ng mas nakakahawang Delta variant sa Pilipinas.
“But we also appreciate the good balancing act of the IATF with the help of the health expert na ‘yung ating restriction naka-focus lang karamihan dito sa mga non-essential activity na binabawasan natin,” ani Lopez.
Sa ngayon, mayroon nang 64 cases ng Delta variant sa bansa.
Mababatid na bukod sa pinahigpit na quarantine classification ay pinalawig na rin ng Metro Manila Council ang curfew hours sa NCR mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga simula Hulyo 25.
Sa pamamagitan nang pagsunod sa minimum health standards, sinabi ni Lopez na maaring mapanatili ang “momentum” na tinatamasa ng lahat sa kasalukuyan.