BEIJING – Umapela ang National Health Commission ng China na maging “reasonable” sa paggamit ng protective suits.

Sa isang statement, sinabi ng ahensya na mayroon nang shortage sa ngayon sa naturang mga equipment, kabilang na ang mga suits, masks at googles, para protektahan ang mga medical workers na magkaroon ng infection sa gitna ng banta ng novel coronavirus na kumitil na sa buhay ng mahigit 800 katao.

Bagama’t medyo bumuti na ang supplies ng protective clothing, sinabi ng National Health Commission ng China na hindi pa rin ito sapat sa ngayon.