Naghahanda na ngayon ang Office of the Vice President (OVP) sa paglipat nito sa panibagong headquarters sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa isang pahayag ay mismong si Reynold Munsayac, tagapagpasalita ni Vice President Sara Duterte-Carpio, ang nag kumpirma nito.
Ang bagong opisina na kanilang lilipatan ay kayang i-accomodate ang lahat ng co-term, casual, at permanenteng mga empleyado ng OVP na mas accessible din sa publiko dahil malapit ito sa mga pangunahing kalsada, at mass transportation.
Ito aniya ay magpapahusay pa sa efficiency, at economy na magreresulta naman ng mas mabilis na proseso sa OVP lalo na’t nasa loob lamang ng iisang lugar ang mag empleyado nito.
Bukod dito ay ibinahagi rin ni Munsayac na magkakaroon din ng opisina para sa Department of Education (DepEd) ang bise presidente sa Pasig City malapit sa Mandaluyong kung nasaan ang kanilang bagong OVP headquarters.
Samantala, nagpasalamat naman ang tagapagsalita ni VP Duterte kay Mayor Joy Belmonte at sa lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon sa pagpapagamit ng Quezon City Reception House, na nagsilbing OVP headquarters naman noon sa ilalim ni former Vice President Leni Robredo.