-- Advertisements --
Nagmistulang ‘Biggest Pacquiao fan’ ang head coach ng Team Italy pagdating niya dito sa Pilipinas.
Pagdating kasi ni veteran coach Gianmarco Pozzecco dito sa Pilipinas, kaagad niyang hinanap ang 8-division world champion at dating Sen. Manny Pacquiao.
Biro pa ng head coach, gusto niyang labanan ang pinoy boxing icon.
Pag-amin ng team Italy head coach, isa siya sa biggest fan ni Pacquiao sa larangan ng boxing.
Ang team Italy ay nakahanay sa Group A, kasama ang Team Philippines, Dominican Republic, at Angola.
Nauna nang tinutukoy ng mga basketball experts na ang World No. 10 na team Italy ay ang team to beat sa Group A, kung saan, inaasahang mag-aagawan sa ikalawang pwesto ang Pilipinas na nasa rank 40 at ang World no.23 na Dominican Republic.