-- Advertisements --
Tuluyan ng sinibak sa puwesto bilang head coach ng Spanish women’s soccer team si Jorge Vilda.
Kasunod ito sa kinakaharap ng pangulo ng football federation ng Spain na si Luis Rubiales ng halikan nito ang forward na si Jennifer Hermoso ng magkampeon ang Spain sa FIFA Womens World Cup.
Humingi na ng paumanhin si Rubiales at sinabi nitong normal lamang ang nasabing ginawa nitong hakbang subalit itinanggi ni Hermoso at sinabing nabigla siya at hindi siya nirespeto.
Pinatawan na ng 90 day suspension ng FIFA si Rubiales dahil sa ginaw nito.
Ayon naman sa soccer federation na mahalaga ang papel ng coach para sa kapakanan ng mga manlalaro.