Inatasan na ng Bureau of Immigration (BI) na agad ipatupad ang hold departure order (HDO) laban sa mga akusado sa pagpatay sa negosytanteng si Dominic Sytin.
Kasunod pa rin ito ng pagpapalabas ng korte ng HDO laban kina Alan Dennis Sytin at Oliver Fuentes.
Sa utos ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72, pinagbigyan nito ang kahilingan ng prosekusyon na mag-isyu ng HDO laban kina Sytin at Fuentes.
Nauna nang ipinaaresto ng korte ang dalawa dahil sa kasong murder at frustrated murder.
Sa salaysay ni Edgardo Luib na umaming gunman, kinausap siya ni Fuentes para sa isakatuparan ang utos umano ni Dennis Sytin na patayin ang kapatid niyang si Dominic.
Tinambangan si Dominic Sytin sa isang hotel sa Subic Freeport noong November 28, 2018, habang sugatan ang driver nitong si Efren Espartero.