Naghain ng panibagong bill si Sen. Leila de Lima para mabigyan ng additional insurance coverage at hazard pay ang mga mamamahayag, lalo na sa ganitong panahon ng pandemic.
Batay sa Senate Bill No. 1523, magkakaroon ng karagdagang tulong ang isang journalist kung nagtamo siya ng injury, sumailalim sa hospitalization at disability habang ginagampanan ang tungkulin.
Bukod na proteksyon pa ang ipagkakaloob sa kanila ng estado mula sa ibang banta sa kanilang buhay.
Una rito, isinulong din ni Sen. Imee Marcos ang coronavirus special risk pay for media personnel.
Habang sa Kamara de Representantes ay itinutulak naman ni Rep. Mujiv Hataman ang hazard pay para sa healthcare workers, immigration employees, media workers at maging sa mga nasa security forces.