Kumamada ng 30 points mula sa bench si Gordon Hayward, tumipa naman ng 19 points at 11 assists si Kyrie Irving upang bitbitin ang Boston Celtics tungo sa 128-95 pagbaon sa Golden State Warriors.

Umiskor ng 17 points si Tatum para sa Celtics, na gumanda sa 6-6 sa road kontra sa Western Conference.

Sumandal naman ang NBA defending champions kay Stephen Curry na pumoste ng 23 points, tampok ang apat na 3-pointers.

Umiskor ng 18 points si Kevin Durant, ngunit nakagawa ng limang turnovers.

Hindi nakabangon mula sa matamlay na first half ang Golden State kung saan nabaon sila sa 43-78 sa halftime.