-- Advertisements --

Magsasagawa ng malaking adjustment ang Atlanta Hawk sa Game 3 Eastern Conference Finals nila ng Milwaukee Bucks.

Ito ay matapos na tambakan sila ng Bucks 125-91 noong Game 2.

Sasamantalahin ng Hawks ang home court advantage nila sa Game 3 para maulit ang ginawa nila noong makuha ang unang panalo.

Inaasahan din na magle-level up ang laro ng shooting guard ng Hawks na si Bogdan Bogdanovic bilang suporta sa guard nila na si Trae Young.