Nakuha na ng Los Angeles Clippers ang veteran point guard na si Rajon Rondo mula sa Atlanta Hawks kapalit ng dating Sixth Man of the Year Lou Williams.
Bilang kapalit, ang Clippers naman ay ipapadala ang dalawang future second-round draft picks at cash considerations.
Dahil sa trade si Rondo, 35, ay babalik na naman sa Los Angeles kung saan doon nya nasungkit ang ikalawang NBA title habang nasa Lakers pa siya.
Muli namang makakasama ni Rondo ang Clippers head coach na si Tyronn Lue na dating assistant coach sa Boston Celtics noong 2011 hanggang 2013 noong bahagi pa siya ng Celtics.
Si Williams na tinanghal na tatlong beses bilang Sixth Man of the Year ay bago lamang nalampasan ang 15,000 career points nitong nakalipas na araw sa kanilang panalo laban sa San Antonio.