-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Sen. Bong Go ang “Hatid Estudyante para Makabalik sa (Kanilang) Probinsya” initiative para tulungan ang mga stranded students sa Metro Manila na nais makauwi sa kanilang mga lalawigan habang hinihintay ang pagsisimula ng susunod na school year.

“Upon the initiation and inspiration of President Rodrigo Duterte, magpapatupad ang gobyerno ng Hatid Estudyante para Makabalik sa (Kanilang) Probinsya initiative upang matulungan ang mga stranded students dito sa Metro Manila na hindi nakauwi dahil sa travel restrictions at quarantine measures kontra COVID-19,” ani Sen. Go.

Sinabi ni Sen. Go, suportado nito ang inisyatiba at wala itong pilitan dahil sa mga estudyante lamang ito na pansamantalang makauwi sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Sen. Go, naiintindigan kasi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mapalayo sa ating mga pamilya kaya niya ito isinusulong.

“Suportado ko po ang inisyatibong ito. Wala naman pong pilitan ito. Sa mga gusto lang po na umuwi pansamantala na mga estudyante, dahil naiintindihan po ni Pangulong Duterte, naiintindihan po ng gobyerno na mahirap po mapalayo sa ating mga pamilya,” dagdag ni Sen. Go.

Kaugnay nito, hinikayat ng senado ang lahat ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na mag-ugnayan sa isa’t isa para matiyak ang kaligtasan ng mga estudiyanteng gustong mag-avail ng programa na pangungunahan ng Department of Transportation (DOTr), kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).