-- Advertisements --
Magsasagawa ng concert sa bansa ang singer na si Harry Styles.
Ayon sa Live Nation Philippines na gaganapin ang concert sa darating na Marso 14, 2023 sa Philippine Arena.
Magsisimula na silang magbenta ng tickets sa darating na Nobyembre 23.
Bago kasi ang kaniyang “Harry Styles: Love on Tour” sa susunod na taon ay magsasagawa muna ito ng mga tour sa California, Australia, Auckland at Thailand.
Si Harry ay dating miyembro ng British boy band na “One Direction” siya ang nasa likod ng mga kantang “Watermelon Sugar” , “As It Was” at maraming iba pa.