-- Advertisements --

Pinahanga ni James Harden ang mga Los Angeles Clippers fans matapos ilampaso nila ang Dallas Mavericks 109-97 para makuha ang unang panalo sa best of seven round 1 ng Western conference playoffs.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na nagharap ang dalawang koponan sa playoffs na ang una ay noong 2020 at 2021 na kapwa nagwagi ang Clippers.

Nagtala si James ng 28 points, walong assists habang mayroong 20 points, 15 rebounds si Ivica Zubac at 22 points naman ang naitala ni Paul George.

Nasayang naman ang nagawang 33points, 13 rebounds at anim na assists ni Mavs star Luka Doncic ganun din ang 31 points ni Kyrie Irving.

Hindi inalintana ng Clippers ang kawalan ng kanilang star player na si Kawhi Leonard na patuloy ang pagpapagaling dahil sa injury sa tuhod.