-- Advertisements --
Desidido pa rin si Houston Rockets guard James Harden na mailipat sa koponan.
Ito ay kahit na lumipat na sa kanilang koponan si John Wall.
Ilan sa mga napipiling paglilipatan nito ay ang Brooklyn Nets at Philadelphia 76ers.
Magiging isang reunion kay Harden ang Nets dahil makakasama niya ang dating team mate niya sa Oklahoma City Thunder na si Kevin Durant.
Magugunitang inilipat ng Rocket si Russel Westbrook kapalit ni Wall ng Washington Wizards.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang magiging buong desisyon ni Harden kung ito ay lilipat na sa koponan.