-- Advertisements --

Inirekomenda ng UP Octa Research Team sa pamahalaan na magpatupad ng “hard general community qurantine” o “soft moddified enhanced community quarantine” para hindi na lalo pang tumaas ang naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas kada araw.

Ayon kay professor Ranjit Rye ng UP Octa Research Team, hindi sapat na obligahin lang ang publiko na sumunod sa minimum health public standards para ma-contain ang surge sa COVID-19 cases.

Layon aniya ng kanilang circuit breaker proposal na mabawasan ang reproduction rate, na kasalukuyang nasa 1.9, sa 1 na lamang sa susunod na dalawa hanggang apat na linggo, para kalaunan ay lalo pang bababa ang bilang ng mga naitatalang infections.

Malaki aniya ang maitutulong ng hakbang na ito sa bilang ng mga isinusugod sa ospital at mga binabawian ng buhay.

Sa ilalim ng hard GCQ, sinabi ni Rye na magkakaroon ng limitations incapacity, tulad nang sa mga business establishments, kaya magkakaroon ng mobility restrictions.

Sa oras na hindi man umubra ang hard GCR pagkatapos ng dalawang linggo, maari aniyang magpatupad naman ng soft MECQ.

Ang soft MECQ ay magkaiba aniya sa MECQ na ipinatupad noong Agosto 2020 dahil ang operasyon ng government offices at industries, kabilang na ang mga negosyo, ay magpapatuloy pa rin naman.

Subalit, ang pamahalaan at ang mga industriya, ay lilimitahan ang bilang ng mga papayagan na makapasok nang personal sa opisina.

Maging ang mga malls at groceries, pati na rin ang iba pang essential business, ay magpapatuloy pa ring mag-operate subalit sa limitadong capacity nga lang.