Arestado ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang isang tinaguriang hardcore Abu Sayyaf group (ASG) member sa isinagawang operasyon sa munisipalidad ng Omar, Sulu.
Ayon kay PNP AKG director Brigadier General Jonnel Estomo, isinilbi ng mga tropa ang warrant of arrest for 25 counts of arson.
Walang piyansa na inirekomenda ang korte laban sa akusado.
Kinilala ni Estomo ang suspek na si Berhamin Ellih alyas Berhamin Hamad na hardcore member ng ASG sa ilalim ni ASG leader Alhabsi Misaya.
Napag-alaman na ang suspek ay sangkot sa panununog at pagwasak sa ilang bahay sa Sitio Bait-Bait, Barangay Lahing-Lahing, Omar, Jolo, Sulu noong Agosto 2016.
Maliban dito, sangkot din ang suspek sa ilang insidente ng pagdukot kabilang ang limang Indonesian nationals sa Malaysia noong Enero 2020 at Sipadan, Sabah, Malaysia noong Abril 2000.
Dinala na sa Omar Municipal Police Station ang suspek para sa book procedure at proper disposition.