-- Advertisements --

Inaabangan na ang paghaharap ng dalawang sikat na manlalaro ng NBA ngayong Christmas Day Game sa Amerika.

Ito ay sa pagitan ni LeBron James ng Los Angeles Lakers at Luka Doncic ng Dallas Mavericks.

Ang dalawa kasi ay mahigpit na magkatunggali sa NBA Most Valuable Player noong nakaraang season.

Sinabi ni Mavs owner Mark Cuban na sabik na ito sa paghaharap ng dalawa.

Magugunitang nakuha ng Slovenian player na si Doncic ang 2019 Rookie of the Year at naging versatile player na may average 28.8 points, 9.4 rebounds at 8.8 assists.