-- Advertisements --

Inamin ng Pinoy basketball player na si Kai Sotto na nais niyang magtala ng kasaysayan sakaling mapili bukas sa gaganaping 2022 NBA Draft.

Ayon sa 7’2″ center, maraming mga kababayan niya sa Pilipinas ang naghahangad na magkaroon ng tunay na dugong Filipino na naglalaro sa NBA.

Kung maalala tatlong mga Filipino-American players na ang nakapaglaro sa NBA pero iba naman si Sotto na isang full blooded na Pinoy kung sakali.

Noong taong 1978 ang kauna-unahang Fil-Am na naglaro sa NBA ay si Raymond Townsend sa ilalim ng Golden State Warriors.

Makalipas ang tatlong dekada sumunod na nakapasok sa NBA ay ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson at noong nakaraang taon naman ay maswerte ring napabilang si Jalen Green, na ang ina ay isang Pinay, at kinuha naman siya ng Houston Rockets.

-- Advertisement --

Para naman sa 20-anyos na si Kai Sotto ang kanyang ambisyon na maging NBA player ay lalong magpapalakas daw ng loob sa mga kabataan sa Pilipinas na sundin din ang kanyang yapak at ‘wag bibitaw sa mga pangarap na kaya itong maabot basta may pagsisikap.