-- Advertisements --

Handa na ang House prosecution panel para sa nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado sa Hulyo 6, 2026.

Ayon sa lead prosecutor na si Gerville Luistro, nakapaghanda na sila ng ebidensya at listahan ng humigit-kumulang 57 saksi na ihaharap sa paglilitis.

Sinabi rin ng panel spokesperson na si Rep. Zia Alonto Adiong na wala nang nakikitang balakid sa pagsisimula ng trial matapos makumpleto ang pre-trial conferences.

Dagdag pa ng mga mambabatas, mahalaga ang pagdinig upang mailatag ang mga dokumento at testimonya na magpapatibay sa mga akusasyon laban sa bise presidente.

Sa unang bahagi ng paglilitis, ipapresenta ng prosecution ang artikulo ng impeachment na tumutukoy sa umano’y banta ni Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.