
Dagdag na pag-iingat ang kailangan ngayon, habang wala pang bakuna at gamot laban sa hand foot ang mouth disease.
Ito ang babala ni Dr. Rontgene Solante sa mga magulang, kasunod ng pagtaas ng bilang ng infected sa ating bansa, lalo na sa mga bata.
Sinabi ni Solante na para sa mga batang limang taong gulang pababa, dapat silang alagaan o linisan ng magulang bago kumain.
Kapag kasi nahawahan ng hand foot and mouth disease at nagkaroon ng ilang sintomas tulad ng lagnat, paracetamol lamang aniya ang pwedeng ipainom sa bata o ang tinatawag na treatment support dahil walang over the counter drugs para rito.
Samantala, sinabi ni solante na pwedeng ma-immune ang isang bata kapag nalantad na ito sa hfm disease subalit pwede pa rin siyang muling maimpeksyon nito.
Kaya naman mahalaga ayon kay Solante ang prevention sa pamamagitan ng paglilinis o paghugas ng kamay bago kumain, at huwag basta-basta ihahawak sa bibig at mata ang mga kamay para hindi madantayan o makontaminado ng virus.










