-- Advertisements --
PNP1

Pinaigting pa ng hanay ng kapulisan ang manhunt operation sa 20 suspek sa pagpatay sa dalawang Chinese national sa Parañaque City noong nakalipas na buwan ng Hulyo na nakunan sa nag-viral na video.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Brig. Gen. Jonnel Estomo na ipinag-utos na sa tracker teams ang manhunt operations upang mapanagot at maikulong ang ibang suspek na kasauluyang at large na sangkot sa karumal dumal na pagpatay sa mga bikimang sina Zhang Xialong at Ziyu Meng.

Sa kabila nito ayon sa NCRPO chief, naisampa na ang kaso laban sa mga suspek kung saan dalawa sa mga ito ay natukoy na sina King Aglubos Lee at Jeffrey Orlanes.

Si Orlanes ay nadakip sa ospital sa pasay kung saan ito dinala para sa treatment matapos na magtamo ng tama ng baril sa katawan.

Kinasuhan si orlanes, aglubos, apat na unidentified Chinese at 16 iba pang Pilipino ng kasong murder sa prosecutor’s office noong july 24.

Isa sa mga suspek na Pilipino ay negosyante habang ang 13 dito ay kaniyang personal bodyguards.

Una rito, nag-viral ang isang video kung saan nakuhanan ang pagbaril at pagpatay sa mga biktima na nagdulot naman ng pangamba sa peace and order situation ng bansa.